Judge sa kaso ni Jason Ivler, kumalas
MANILA, Philippines - Tuluyang nang nag-inhibit o binitawan na ng hukom ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na mahawakan nito ang kasong kriminal ng road rage suspect na si Jason Ivler.
Sa kanyang 2 pahinang order, sinabi ni QCRTC Branch 77 Presiding Judge Alexander Balut na nagdesisyon siya na mag-inhibit sa kaso upang maglaho na ang pag-aalinlangan ng prosekusyon na siya ay may kinikilingan.
Marami ang nagulat kahapon sa desisyong ito ni Judge Balut dahil sa nagdaang mga hearing ay dalawang beses niyang inisnab ang mga petisyon na bitawan na nito ang paghawak sa naturang kaso.
Gayunman, sinabi ni Judge Balut na malaki ang kanyang paniwala na nagagawa niya ang lahat alinsunod sa itinatakda ng batas at konstitusyon at patas lamang niyang napapangasiwaan at nabibigyan ng hustisya ang isinagawang mga pagdinig sa mga hinahawakang kaso.
Una nang inakusahan ng prosekusyon na bias ito sa pagtratato sa kaso ng akusado
Sinabi ni Judge Balut na ang rekord ng kasong ito ay ibibigay sa tanggapan ng Executive Judge sa pamamagitan ng Office of the Clerk of Court para sa re-raffle ng kaso.
- Latest
- Trending