Makati officials nasa 'hot water'
MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kaso si Makati Vice Mayor Romulo V. Peña at isang konsehal ng lungsod matapos na kasuhan ni Atty. Ana Luz B. Cristal, Secretary to the Sangguniang Panlungsod dahil sa umano’y “grave abuse of authority and discretion” makaraang balewalain ang huli at magtalaga ng bagong City Secretary.
Si Cristal ay itinalaga ni dating City Mayor at ngayon ay Vice President Jejomar C. Binay bilang Sanggunian Secretary nuong Marso 2010.
Ang pagkakatalaga kay Cristal ay kinumpirma ng Civil Service Commission na may kapareho ding posisyon ng City Government Department Head II na may permanenteng status.
Sa reklamo ni Cristal, siya ay pinapalitan ni Peña ng magsagawa ito ng “Inaugural Session” nitong Hulyo 15 at inilagay si Anna Marie M. Dator bilang kanyang kapalit.
Noong Hulyo 20 ay sumulat ng memo si Cristal kay Peña upang ipabatid na ang kanyang ginawang pag-apoint kay Dator ay isang malinaw na paglabag sa Section 25, Article VIII of RA 7854, na mas kilala bilang Charter of the City of Makati na kung saan tanging ang alkalde lamang ng lungsod ang may karapatan magtalaga ng Sanggunian Secretary.
Bukod sa bise alkalde, kasamang kinasuhan ni Cristal sina Dator at City Councilor Nemesio S. Yabut, Jr. bilang co-respondent ni Peña matapos ang nakakainsulto at pamamahiyang privilege speech ng konsehal.
Kasamang isinampa ni Cristal ang paghingi nito sa korte na pagbayarin sina Peña at Yabut ng P1 milyon moral damage, P200,000 para sa attorneys fee at cost of suit.
- Latest
- Trending