MANILA, Philippines - Tinaniman ng bala sa noo ang isang 42-anyos na pedicab driver ng isa sa riding-in-tandem na hinihinalang grupo o sindikato ng iligal na droga na posibleng ganti umano sa pagbibigay ng impormasyon ng una sa mga awtoridad, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang nasawi na si Fernando Lagata, ng Juan Luna St., Gagalangin, Tondo na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.
Dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa panulukan ng Solis at Antipolo Sts., Tondo.
Nabatid na hinarang ng dalawang lalaking suspect lulan ng motorsiklo ang biktima habang minamaneho ang pedicab at bumaba ang isa bago malapitang binaril sa noo ang biktima.
Ayon sa ama ni Lagata na si Mang Florentino, posibleng ang hinalang ang kanyang anak ang nagbigay ng ‘tip’ sa mga pulis nang isagawa ang drug buy-bust operation noong nakalipas na buwan sa Balut, Tondo, Maynila ang dahilan ng pagkakabaril sa anak.
Isinasagawa ang follow-up operation upang matukoy ang nasa likod ng pamamaril sa biktima at kung may kaugnayan ito sa pagkabulabog sa bentahan ng iligal na droga sa lugar.