^

Metro

RFID buhayin vs kolorum

-

MANILA, Philippines - Naniniwala ang dalawang malaking samahan ng transport groups sa bansa na ang pagpa­patupad ng Radio Frequency Identification (RFID) project ang siyang solusyon upang tuluyan ng magwakas ang talamak na kolorum na mga sasakyan sa bansa, gumanda ang kita ng mga lehitimong drayber at bumilis ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Sa ginanap na nationwide consultation kamakailan, uma­pela kay Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang Pasang Masda na pinangu­ngunahan ni Obet Martin at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) ni Efren De Luna na ayudahan ang imple­mentasyon ng RFID.

Ayon kay Martin, lubos ang kanilang pagsuporta sa RFID sa simula pa lamang ng ipakilala ito sa publiko dahil lubos nilang naiintindihan ang kahalagahan ng RFID sa transport industry. Aniya, sa tagal niya sa sector ng transportasyon ang RFID ang kanyang nakikitang solus­yon para mabura ang mga kolorum na sasakyan sa mga siyudad. 

Sinabi naman ni Efren De Luna, sa kasaysayan ng transport industry marami na uma­nong paraan ang ginawa ng concern agencies para matigil na ang paglaganap ng kolorum at ouf of line vehicles subalit ang lahat ng mga naunang pama­ma­raan ay nabigo lamang.

Maraming sinubukan noong nakaraan para alisin ang salot na kolorum sa mga lansangan, pero wala umanong umubra. Uma­asa sila na pakikinggan ng bagong gobyerno dahil tanging solusyon sa colorum ay ang RFID dahil malalaman kung sino ang colorum at kung sino ang legal na pampublikong sasak­yan sa kalye.

Ang RFID ay isang maka­bagong teknolohiya gamit ang isang radio frequency upang malaman kung ang specifications ng isang sasakyan ay tumutugma sa naturang sa­sakyan, kaya din ng RFID na imonitor ang traffic volume­ sa isang lansangan.

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

EFREN DE LUNA

OBET MARTIN

PANGULONG BENIGNO

PASANG MASDA

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION

RFID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with