^

Metro

Tensyon sumiklab sa demolisyon

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nauwi sa karahasan ang isinagawang demolisyon sa ilang tahanan sa isang baran­gay sa lungsod Quezon mata­pos na pumalag ang may 50 apektadong residente at nag­hagis ng pillbox at bato sa demolition team at Quezon City Police kahapon ng umaga.

Dahil dito, ilang mga mama­mahayag na kumokober sa pangyayari gayundin ang ilang residente ang sugatan matapos na magtamo ng mga galos at sugat sa kani-kanilang katawan.

Naganap ang insidente pasado alas-10 ng umaga nang simulan ng hanay ng demo­lisyon team ang paggiba sa mga kabahayang umano’y iligal na nakatayo sa   isang lote sa Broadway Avenue corner 7th St. Brgy. Mariana sa lungsod.

Ang demolisyon ay base sa court order ng Regional Trial Court branch 97 na pinapa-alis ang mga tahanang iligal na nakatirik sa nasabing lugar na pag-aari umano ng isang negosyante.

Ang kautusan ay tinutulan ng mga apektadong residente parti­kular dito ang ipinalabas na court order kung saan ang naka­lagay lang umanong bahay na dapat idemolis ay anim na kabahayan.

Pero dahil, lahat ay balak na gibain ng awtoridad ay nagpa­syang harangin ng mga resi­dente ang demolisyon team hang­gang sa magkagirian ang mga ito na humantong sa paghahagis ng pillbox at bato sa mga awtoridad.

Gayunman, hindi tumigil ang mga demolisyon team sa pag­habol sa mga nag-aalburo­tong mga residente hanggang sa ma­uwi rin ito sa pagggiba sa kanilang mga tahanan.

BROADWAY AVENUE

DAHIL

GAYUNMAN

NAGANAP

NAUWI

QUEZON CITY POLICE

REGIONAL TRIAL COURT

SHY

ST. BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with