MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 ang tatlong bilang na kasong libelo na isinampa laban sa mamahayag na si Jimmy Salgado.
Sa 23 pahinang resolution ni Judge Ma. Amifaith Fider Reyes sinabi nito na wala itong nakitang sapat na basehan para hatulan ng guilty sa kasong libelo si Salgado.
Kasabay nito’y pinaboran rin ng hukom ang inihaing motion to widraw information ng Manila City prosecutors office at gayun din ang motion to dismiss ng respondent na si Salgado.
Nag-ugat ang kaso laban kay Salgado makaraang isulat nito sa kanyang column ang mga katiwalian ng mga complainant na sina Dolores Domingo operation officer na dating clerk ng Bureau of Customs (BOC) at Chito Orbeta messenger- janitor ng BOC dahil sa mga di maipaliwanag na yaman ng mga ito.
Binanggit ni Salgado sa pahayagang trade-winds na dapat ng linisin ang hanay ng mga tiwaling empleyado opisyal ang BOC lalo na itong sina Domingo at Orbeta dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng mga di maipaliwanag na yaman na taliwas naman sa kanilang tinatanggap na sahod sa BOC.