^

Metro

Libel sa mamahayag, dinismis

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 ang tat­long bilang na kasong libelo na isinampa laban sa mamahayag na si Jimmy Salgado.

Sa 23 pahinang resolution ni Judge Ma. Ami­faith Fider Reyes sinabi nito na wala itong nakitang sapat na basehan para hatulan ng guilty sa ka­song libelo si Salgado.

Kasabay nito’y pina­boran rin ng hukom ang inihaing motion to widraw information ng Manila City prosecutors office at gayun din ang motion to dismiss ng respondent na si Sal­gado.

Nag-ugat ang kaso laban kay Salgado maka­raang isulat nito sa kan­yang column ang mga katiwalian ng mga complainant na sina Dolores Domingo operation officer na dating clerk ng Bureau of Customs (BOC) at Chito Orbeta messenger- janitor ng BOC dahil sa mga di maipaliwanag na yaman ng mga ito.

Binanggit ni Salgado sa pahayagang trade-winds na dapat ng linisin ang hanay ng mga tiwaling empleyado opisyal ang BOC lalo na itong sina Domingo at Orbeta dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng mga di maipaliwanag na yaman na taliwas na­man sa kanilang tinatang­gap na sahod sa BOC.

BUREAU OF CUSTOMS

CHITO ORBETA

DOLORES DOMINGO

FIDER REYES

JIMMY SALGADO

JUDGE MA

MANILA CITY

SALGADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with