^

Metro

Fixer at ministro laglag sa 'kasal-kasalan'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nalambat ang  isang ministro ng isang Christian religious group at isang ‘fixer’ ng pekeng kasalan, nang isailalim sa entrapment operation  ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), sa ilalim ng Light Rail Transit-Central station, sa Arroceros , Ermita, Maynila, kamaka­lawa ng hapon.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa kasong estafa through falsification of public document at attempted estafa ang mga nadakip na suspect na sina Faustino R. Flores , 45, walang trabaho at residente ng no. 971 New Antipolo st., Tondo, Maynila at si Reverend Romeo Rialf.

Sa imbestigasyon ni PO3 Reginald delos Reyes, ng MPD-General Assignment Section, da­kong alas-12:00 ng hapon ng Lunes nang arestuhin ang mga suspect sa LRT-Central station ng mga tauhan ni Mayor’s Complaint Action Team (MCAT) chief ret. Col. Franklin Gacutan, mata­pos aksiyu­nan ang rek­lamo ni Laura Flores dela Cruz, 60 ng Brgy. Gatbuca, Calum­ pit, Bulacan.

Sinabi ni dela Cruz, na nanghingi ng halagang P80,000, ang pamangkin niyang si Flores na nagpa­kilalang empleyado ng Manila City Hall, nang ikasal ang kaniyang anak na si Eloisa sa isang British national noong Set­yembre 17, 2009,

Mismong si Rev. Realf umano ang nag-officiate ng ‘kasalan’ subalit nang kumuha sila ng kopya ng marriage certificate sa National Statistic’s Office (NSO), hindi umano naka­rehistro doon kaya’t sinu­bukang kumuha na la­mang sa San Juan City Hall, ang lugar na nakasa­ad sa marriage certificate , na una nang ibinigay ng suspect at natuklasang hindi rin nakarehistro.

Dahil sa pagdududa na napeke sila ni Flores, tinawagan ito ni dela Cruz at  ipinaabot ang problema sa hindi makuhang kopya.

Sa halip na bigyan ng kopya, tumawag ang suspect kay Rev. Realf at pinakausap si dela Cruz na nagsabing dapat ay mag­dagdag umano ng P20,000.

Lingid  sa kaalaman ng suspect ay handa na ang pain laban sa kanila nang makipagkita si dela Cruz, at sa aktong hawak ni Flores ang P20,000 ay inaresto ang mga ito.

COMPLAINT ACTION TEAM

CRUZ

FAUSTINO R

FRANKLIN GACUTAN

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

LAURA FLORES

LIGHT RAIL TRANSIT-CENTRAL

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with