^

Metro

Nangulila sa misis, todas nang mag-amok

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - “Patay na ang asawa ko, kahit may baril kayo, sabayan na lang tayo.”

Ito ang huling mga katagang sinabi ng isang hindi pa kilalang lalaki na binaril at napatay ng security guard ng Manila International Container Terminal (MICT) matapos mag-amok habang arma­do ng patalim, kamaka­lawa ng hapon, sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ng pulisya ang nasawi na nasa 35 hanggang 40 anyos, payat, kulot ang buhok, may tattoo na bulaklak sa kanang braso, naka-shorts ng dotted red at orange, at nakasuot ng sando.

Pinaghahanap na­man ang suspect na si Edmar  Banglos, security personnel na nakatalaga sa Special Reaction Team (SRT) na tumakas bitbit ang ginamit na 9mm. na baril.

Naganap ang insi­dente dakong alas-3:15 ng hapon kamakalawa, sa loob ng MICT, Empty Container Depot (ECD) Road, South Access, North Harbor, Tondo, Maynila.

Sa salaysay ng sak­sing si Edgar Maghinay, security guard  na naka­talaga naman sa motorcycle unit ng MICT, na­rinig niya sa ‘radio base’ ang alarma ng kanilang officer in charge hinggil sa pagpasok ng isang lalaki sa ‘restricted area’ ng ECD Road sa  MICT kaya agad siyang rumes­ponde kung saan dinat­nan niya na pinagsasa­bihan ng suspect ang nagwawalang biktima na bitiwan ang hawak na patalim kaya nakipag-negosasyon din umano siya sa biktima.

Nasaksihan umano niya na itinali ng biktima sa kamay ang kutsilyo , sa halip na bitiwan ay nagsimulang sumugod sa kanilang direksiyon habang sinasabi na “Patay na ang asawa ko, kahit may baril kayo, sabayan na lang tayo.”

Dahil sa panganib na makasaksak, nag-warning shot ang suspect  subalit inundayan pa rin ito ng saksak ng biktima kaya binaril ito sa hita at kahit may tama na ay patuloy pa rin sa pagsu­god sa sekyu kaya tulu­yan na itong pinagbabaril sa katawan.

Isinugod pa ng suspect at iba pang security guard sa Ospital ng Maynila ang biktima subalit idineklarang dead on arrival dakong alas-5:00 ng hapon.

EDGAR MAGHINAY

EMPTY CONTAINER DEPOT

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER TERMINAL

MAYNILA

NORTH HARBOR

PATAY

SHY

SOUTH ACCESS

SPECIAL REACTION TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with