^

Metro

Totoy nalunod sa La Mesa Dam

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Bangkay na nang matag­puan ang isang 12-anyos na binatilyo sa isinagawang search and rescue operation ng mga awtoridad matapos na mawala ito sa lawa ng La Mesa Dam habang luma­la­ngoy kasama ang ilang ka­ibigan sa lungsod Quezon.

Ang biktima ay kinilalang si Virgilio Elicano, 1st year high school at residente sa No. 09 Upper Molave, Paya­ tas ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ni SPO2 Rodel Dapat ng Criminal Investigation and Detention Unit ng Quezon City Police, ganap na alas-10:15 kamakalawa ng umaga nang matagpuan ng mga rescuer ang biktima sa may Golden Summer La Mesa Dam, Payatas.

Lumilitaw na Biyernes pa lamang ng umaga nang mag­­punta ang biktima ka­sama ang ilang kaibigan sa nasabing lugar para maligo.

Pasado alas-3 ng hapon nang mapansin ng grupo ang dahan-dahang paglubog sa tubig ng biktima.

Dahil dito, agad nilang ipinagbigay alam ang na­saksihan sa mga magulang ng biktima na siya namang nagpa-abot ng impormasyon ng Batasan Police Station ng QCPD.

Mabilis namang nag­tungo ang mga rescuer sa lugar mula sa Maritime at Coast Guard at nagsagawa ng rescue at retrieval operation.

BATASAN POLICE STATION

COAST GUARD

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETENTION UNIT

GOLDEN SUMMER LA MESA DAM

LA MESA DAM

QUEZON CITY POLICE

RODEL DAPAT

SHY

UPPER MOLAVE

VIRGILIO ELICANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with