^

Metro

2 biktima ng salvage natagpuan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng mga hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng “summary execution” ang natagpuan sa tapat ng isang subdibisyon, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Inilarawan ang unang biktima na nasa pagitan ng edad na 30-40 habang ang ikalawang biktima naman ay nasa 37-45 anyos. Kap­ wa may mga tattoo sa kata­wan at mga nakabalot ng mga packaging tape ang ulo at mukha.

Sa ulat ng Caloocan police, dakong alas-3 ng ma­daling-araw nang matag­puan ng tindero ng taho na si Eduardo Reyes ang dala­wang magka­tabing bangkay sa Tindalo St. sa Malanting Amparo Subdivision, ng natu­rang lungsod.

Blangko naman ang mga awtoridad sa pagkakaki­lanlan ng mga salarin dahil sa ka­walan ng saksi.

May hinala ang mga awtori­dad na ang dalawang biktima ay pinatay sa ibang lugar at itinapon lang sa nasabing lugar para iligaw ang imbestigasyon ng pu­lisya.

BLANGKO

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DALAWANG

EDUARDO REYES

INILARAWAN

MALANTING AMPARO SUBDIVISION

SHY

TINDALO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with