^

Metro

Anti-carnapping ng NCRPO suspendido

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Pansamantala munang sinuspinde ang operasyon ng Anti-Carnapping Unit ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) habang nag­sasagawa ng imbestigasyon sa alegasyon na sinadyang pasla­ngin ang lider ng car­napping syndicate na si Ivan Padilla nang isu­god sa paga­mutan mata­pos ang isang engku­wentro kamakailan.

Hindi naman nagbigay ng katiyakan si NCRPO Director Leocadio Santiago kung hang­­gang kailan ang sus­pen­­syon ng Regional Police Intelligence Operation Unit- Anti-Carnap­ping (RPIOU-ANCAR) na nasa pamu­muno ni Supt. Maristelo Manalo.

Sinabi ni Santiago na isang imbestigayson ang isinasagawa makaraang umalma ang mga magulang at kaanak ng nasa­wing si Padilla na rub-out ang naga­nap na insidente nang ma­da­­kip ang naturang grupo sa Makati City nitong nakara­ang Lunes.

Sa panayam kay Sr. Insp. Ricardo Bachar Luciano, hepe ng Investigation ng Anti Car­napping, wala silang maga­gawa kundi tumalima sa kautu­san ni Santiago.        

Pinanindigan din ni Lu­ciano na shootout ang na­ga­­nap noong Lunes ng ma­­daling-araw nang makipag­­barilan sa kanila ang grupo ni Padilla.

Kaugnay nito, nakatak­dang ipulong ni Santiago ngayon araw ang lahat ng tauhan ng RPIOU-ANCAR kaugnay sa isinasa­gawang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR).

Magugunitang nakapana­yam ng isang TV network ang ina ni Padilla na si Malou kung saan sinabi nitong malinaw na rub-out ang dahilan ng pag­kamatay ng kanyang anak dahil sa pagkabali umano ng buto nito sa leeg na nagresulta ng “Asphyxia” o pagkaubos ng hinihingang “oxygen”.

ANTI CAR

ANTI-CARNAPPING UNIT

DIRECTOR LEOCADIO SANTIAGO

HUMAN RIGHTS

IVAN PADILLA

MAKATI CITY

MARISTELO MANALO

PADILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with