Rider lasog sa bus

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang ka­tawan ng isang rider na agad niyang ikinamatay ma­ka­raang mabundol at masa­gasaan ng isang bus habang magkasabay na binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa lungsod kama­kalawa.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Joey Timbas, 41, ng Block 40, Lot 7, Har­mony Homes II, San Jose del Monte Bulacan na lulan ng Honda Wave (9504PK).

Nasa kustodiya naman ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police ang driver ng Pre­cious bus (TXK-337) naka­bundol sa biktima na si Rodante Barran, 37, may-asawa ng Brgy. Grace Ville, San Jose del Monte Bulacan. 

Ayon sa ulat, naganap ang in­sidente sa may Common­wealth Avenue, malapit sa Pearl St., Brgy. West Triangle pasado alas-9 ng gabi.

Sinasabing magkasabay na binabaybay ng dalawa sakay ng kani-kanilang mga sasakyan ang nasabing lugar galing Litex patungong SM Fairview, nang pagsapit sa panulukan ng Pearl St., partikular sa harap ng Honda car ay nabundol ng bus ang motorsiklo ng biktima.

Sa pagkakabundol ay big­lang sumadsad ang motor­siklo ng biktima sa kalsada, parti­kular sa harap ng bus saka muli itong nasagasaan dahilan upang magtamo ito ng labis na pinsala sa katawan.

Kasong reckless impru­dence resulting in homicide ang kinakaharap ngayon ng sus­pect.

Show comments