^

Metro

Dahil sa 'kotong', piskal ng Maynila, dinismis ng Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Tuluyang dinismis sa ser­bisyo ng tanggapan ng Om­budsman ang isang piskal ng Maynila makaraang masukol ito sa isang entrapment ope­ration habang tumatanggap ng pera mula sa isang litigant na may nakabinbing   kaso sa kanyang opisina.

Sa 18-pahinang desisyon, dinismis ng Ombudsman si Asst. City Prosecutor Pedro Sa­langa ng Manila City Pro­secutor’s Office.

Bukod sa pagdismis dito, tinanggal din ang kanyang eligibility at retirement benefits at hindi na maaaring tumang­gap ng anumang trabaho sa gobyerno.

Ang kaso laban sa piskal ay nag-ugat sa reklamo ng isang Atty. Joel Ferrer, ang abogado na may hawak sa kaso ng isang Cherry Ann Eclarino na nakabinbin sa tanggapan ni Salanga.

Sa kanyang reklamo, si­nabi ni Ferrer na nag-text sa kanya si Salanga na tawagan siya at nang mag-usap ang dalawa, sinabi ni Salanga sa una na kailangan ng piskal ng P5,000 kapalit ng favorable resolution para rito.

Lingid sa kaalaman ng piskal, agad pinagbigay-alam ni Ferrer ang pinag-usapan sa tanggapan ng NBI kung saan inihanda ang entrap­ment operation noong Marso 13, 2002 sa isang coffee shop sa Maynila. Dito na hinuli ng mga awtoridad ang piskal habang tumanggap ng pera kay Ferrer.

Ayon sa Ombudsman, may reasonable ground silang nakita para maniwalang tu­manggap ng pera si Salanga mula kay Ferrer kahit pa itina­tanggi ng piskal na siya ay hin­di humingi ng pera mula rito.

Bukod sa nailapat na pa­rusa ng Ombudsman kay Sa­ langa, nahatulan ang pis­kal ng mahigit isang taong pagka­bilanggo at multang P4,000 bukod sa special temporary disqualification kaugnay ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices Act. Napawa­lang sala ang piskal sa kasong graft sa Sandiganbayan.

BUKOD

CHERRY ANN ECLARINO

CITY PROSECUTOR PEDRO SA

ISANG

JOEL FERRER

MANILA CITY PRO

MAYNILA

PISKAL

SALANGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with