^

Metro

MRT-7 tatakbo mula MM hanggang Bulacan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ibinigay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suporta nito sa proyekto ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa konstruksyon ng Metro Rail Transit-Line 7 na kokonekta sa Metro Manila hang­gang Bulacan.

Nasa kasagsagan tayo ng pagpapaluwag pa ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at itong extension project ng MRT ay isang welcome relief sa ating mga motorista at mga pasahero,” ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino.

 Aabot sa US$1.2 bilyon ang halaga ng naturang proyekto na magkahalong “road and rail project”. Dito ilalatag ang 22-kilometrong kalsada mula Bocaue exit ng North Luzon Expressway (NLEX) hanggang San Jose Del Monte, Bulacan at Tala sa Caloocan City.

Itatayo rin ang 23 kilomentrong “elevated” MRT mula naman sa Tala at kukunekta sa “integrated station” sa North Edsa, Quezon City.

Bukod sa MRT 7, tinalakay rin sa pagpupulong ng Regional Development Council-National Capital Region (RDC-NCR) na binubuo ni Tolentino at 17 alkalde ng mga lungsod at munisipyo ng Metro Manila, at mga kinatawan ng ahensya ng pamahalaan ang proyekto naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na Valenzuela, Obando, Meycauyan (VOM) Flood Control Project.

BULACAN

CALOOCAN CITY

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

FLOOD CONTROL PROJECT

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT-LINE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH EDSA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with