Lider ng 'Snake robbery gang', todas sa shootout

MANILA, Philippines – Nagtapos na rin ang paghahasik ng krimen ng “Snake robbery gang” sa Pasay City makaraang ma­paslang ang lider nito at isa-isang bumagsak ang mga miyembro sa sunud-sunod na operasyon ng pulisya.

Nasawi sa loob ng Pasay City General Hospital ang lider ng sindikato na si Jennis Bravo Pagtakhan, alyas “Snake”, makaraang makipagbarilan sa mga miyembro ng Special Wea­pons and Tactics unit ng Pasay City Police.           

Sugatan naman sa na­turang insidente ang ta­uhan ni Pagtakhan na si Ronnie Viray, 37 at sa panig ng pulisya sugatan din si PO2 Ernesto Pagao, ng Pasay City-Station Investigation and Detective Management Section. 

Sumuko naman ang da­lawa pang tauhan ni Pag­takhan na sina Jerome Ray­mundo, 19 at Jerald Bohol, 22.

Una nang nadakip at nakaditine ngayon sa Pasay detention cell ang dalawa pang mga miyem­bro ng gang na sina Que­rine Jess Pag­takhan, alyas Ren-ren at Billy Joe Das­mariñas, alyas Billy.           

Ang “Snake robbery group” ang responsable sa mga insidente ng panlo­loob sa mga pribadong bahay, holdap sa mga pampasa­herong jeep at bus, riding in-tandem holdap, at car­nap­ping.

Show comments