^

Metro

Petisyon vs fare hike sa MRT, LRT ikinasa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagsimula nang pumirma sa isang petisyon kontra sa planong pagdarag­dag sa pasahe ang daan-daang pasa­hero ng Metro Rail Transit (MRT) na inilunsad kahapon ng militanteng gru­pong Bagong Alyansang Maka­bayan (Bayan).           

Inumpisahan ng mga miyembro ng Bayan ang pagpapapirma sa mga pasahero ng MRT-North Avenue Station sa Quezon City kung saan daan-daang pirma kaagad ang nakalap.           

Isa sa pasahero na pumirma ay nag­sabi na kulang na ang badyet niya sa araw-araw dahil sa maliit na kita ng isang ordinaryong “saleslady” na naka­amba pang lalong mabawasan sa pag­daragdag ng singil sa MRT. Mapu­puwersa umano ang maraming mana­nakay na bumaling na lamang sa mga pampasaherong bus upang maipag­pa­tuloy ang pagtitipid.           

Ngunit hati naman ang opinyon ng iba na nagsabi na ayos lang kung hindi ga­anong kalakihan ang itataas. Kung hindi umano lalaki pa sa P5 ang pagta­taas ay ma­­­aari pang pagtiyagaan ng mga mananakay.

Una nang sinabi ng Department of Trans­portation and Communications (DOTC) ang planong fare hike sa MRT at LRT dahil sa pagkalugi ng pama­halaan dulot ng patuloy na pagbibigay ng sub­sidiya sa mga ito.

Dapat sanang nasa P60 ang pasahe ngunit P15 lamang ang sini­singil dahil sa subsidiya ng pamahalaan.

BAGONG ALYANSANG MAKA

BAYAN

DAPAT

DEPARTMENT OF TRANS

INUMPISAHAN

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE STATION

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with