MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos makuryente habang naglilinis ng tangke ng tubig sa sarili niyang bahay sa Brgy. Payatas Quezon City, ayon sa ulat kahapon.
Nakilala ang nasawi na si Joey Cagurungan, 28, at residente ng Ivory St., Brgy. Payatas 2 ng nasabing lungsod.
Naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa bakuran ng biktima. Paakyat umano ng tangke ng tubig ang biktima upang maglinis ng aksidenteng hindi mapansin nito ang kawad ng kuryenteng nakadikit sa galvanized na bubong ng kanilang bahay.
Dahil dito, mabilis na tinamaan ng boltahe ng kuryente ang katawan ng biktima saka nangisay. (