Pampasaherong bus, iniimbentaryo ng LTFRB

MANILA, Philippines - Pinasimulan na ng Land Transportation Fran­chising Regulatory Board (LTFRB) ang pag- imben­taryo sa mga bus na pumapasada sa loob at labas ng Metro Manila.

Ayon kay LTFRB Chair­­man Dante Lantin, ang hak­bang ay bahagi ng pagpupursigi ng ahen­siya na mawalis na ang mga colorum vehicles sa bansa.

Sa kasalukuyan anya, may 12,000 buses ang puma­pasada sa Metro Manila kasama na rito ang mga pumapasada sa mga probinsiya.

Kasama sa pagbusisi ng LTFRB ang pag- sten­cil sa chassis number at motor number ng mga pampasa­herong bus ng mga elemento ng LTFRB task force.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 400 ng mga bus ang dumaan sa pag­busisi ng task force LTFRB.

Ang imbentaryo ay ginagawa ng LTFRB tu­wing araw ng Sabado at Linggo.

Show comments