Pampasaherong bus, iniimbentaryo ng LTFRB
MANILA, Philippines - Pinasimulan na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pag- imbentaryo sa mga bus na pumapasada sa loob at labas ng Metro Manila.
Ayon kay LTFRB Chairman Dante Lantin, ang hakbang ay bahagi ng pagpupursigi ng ahensiya na mawalis na ang mga colorum vehicles sa bansa.
Sa kasalukuyan anya, may 12,000 buses ang pumapasada sa Metro Manila kasama na rito ang mga pumapasada sa mga probinsiya.
Kasama sa pagbusisi ng LTFRB ang pag- stencil sa chassis number at motor number ng mga pampasaherong bus ng mga elemento ng LTFRB task force.
Sa kasalukuyan ay may mahigit 400 ng mga bus ang dumaan sa pagbusisi ng task force LTFRB.
Ang imbentaryo ay ginagawa ng LTFRB tuwing araw ng Sabado at Linggo.
- Latest
- Trending