^

Metro

Ba­rangay kagawad patay sa riding in tandem

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang ba­rangay kagawad ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang nakatayo at busy sa pagti-text sa Sta. Cruz, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang nila­lapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Rogelio Yanga, 49, may-asawa, kagawad ng Brgy. 368,  Zone 37,  District 3,  at re­sidente ng Antipolo St., Sta. Cruz, May­nila bunga ng tinamong tama ng bala sa katawan. Hindi pa rin matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspect sa krimen.

Sa ulat dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panu­lukan ng Antipolo at Karapatan Sts., Sta Cruz, Maynila.

Nabatid na abala sa pagti-text ang biktima nang lapitan ng isa sa suspect kaya tinanong ng biktima kung sino ang hinahanap. Tatlong bala ang isinagot ng suspect sa kagawad na agad bumulagta. 

Tinangka ng ilang nakasaksi na habulin ang gunman subalit mabilis itong nakasakay sa naghihintay na get-away motorcycle na minamaneho ng isa pang lalaki.

Inaalam ang posibleng motibo sa krimen at kung may kaugnayan ito sa kanyang trabaho bilang barangay ka­gawad.

vuukle comment

ANTIPOLO ST.

BINARIL

BINAWIAN

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

KARAPATAN STS

MAYNILA

ROGELIO YANGA

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with