Biker todas sa truck

MANILA, Philippines - Patay ang isang 43-anyos na lalaki maka­ raang mabangga at ma­kaladkad ng isang cement mixer truck habang nag­bi­bisek­leta ito sa EDSA, Pasay City kamakalawa ng umaga.             

Isinugod pa ito sa San Juan de Dios Hospital ng rescue team ng MMDA ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang biktimang inisyal na nakilalang si Francis Docena.             

Sa ulat ng Pasay City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa kahabaan ng EDSA.

Nabatid na patungo ang biktima sa Taft Ave­nue sakay ng kanyang bisikleta nang mabundol ng isang mixer truck (ZCF-415). 

Sa lakas ng pagkaka­bundol, tumilapon at naka­ladkad pa ang bisikleta at ang biktima na naging dahilan upang magtamo ka­agad ng grabeng pin­sala ang lalaki sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto naman ng mga tauhan ng MMDA ang driver subalit sa halip na ipaubaya sa Pasay police ang pagsisiyasat sa kaso, dinala ang mixer pati na ang driver sa Orense St., Makati sa punong tangga­pan ng ahensiya upang doon isailalim sa imbesti­gas­yon batay umano sa utos ni Col. Pintang.

Show comments