Pagbalasa sa BI personnel sa NAIA, sinimulan na

MANILA, Philippines - Tatlong araw matapos na maluklok bilang Officer in Charge (OIC) ng Bureau of Immigration (BI), sinimulan na kahapon ni Rolando Ledesma ang pagbalasa sa mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Base sa ipinalabas na personnel order ni Ledesma, sinibak nito si Ferdinand Sampol bilang head supervisor at hepe ng airport operations division ng NAIA.

Pinalitan si Sampol ni Atty. Arvin Santos ang dating legal officer at chairman ng Task Force on Dual Citizen­­ ship.

Binawi rin ni Ledesma base sa kautusan ni Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar ang pagtatalaga kay Atty. Edgardo Mendoza bilang assistant commis­sioner, gayundin ang kontrata ni Franklin Littaua, special assistant to the Commissioner at Teodoro Delarmente, technical assistant to the commissioner.

Ginawa ni Ledesma ang pagbalasa sa paliparan ma­tapos mapaulat na binigyan ng espesyal na trato si Ilocos Sur. Representative Ronald Singson na nahuling nagpu­puslit ng droga sa Hong Kong.

Show comments