Carnap king todas sa shootout

MANILA, Philippines - Natuldukan na ang iligal na gawain ng itinu­turong lider ng isang sin­dikato ng carnapping ma­karaang mapatay ito ng pulisya sa isang engku­wentro kahapon ng ma­da­ling-araw sa Makati City.             

Kinilala ni outgoing Na­tional Capital Re­gional Police Office (NCRPO) chief, Director Roberto Rosales ang nasawi na si Ivan Padilla, ng Dapdap St., North For­bes Park, Makati City at lider ng gru­pong tuma­ngay sa kotseng Volvo ng ama ng actor na si Derek Ram­sey at Toyota Camry na pag-aari ni Ambas­sador Roberto Romulo.

Nadakip din sa ope­rasyon ang isa pang ka­samahan nito na si Mark Inducil, ng   BF Homes, Parañaque City.             

Ayon kay Supt. Rom­mel Miranda, tagapag­salita ng NCRPO, naka­tanggap sila ng impor­masyon ukol sa pag­biyahe nina Padilla at Inducil buhat sa pagsing­hot ng shabu sa Imus, Cavite. 

Nakuha nila ang plaka ng Toyota Vios (ZAP-335) na gamit nina Pa­dilla na naispatan naman ng Anti-Carnap­ping Unit sa pangunguna ni Supt. Maristelo Manalo sa may General Luna St., Brgy. Poblacion, Makati. 

Agad umanong nag­pa­putok ang mga ito nang tangkaing lapitan ng mga pulis. Dito nag­ka­roon ng maigsing eng­ku­wentro na nagre­sulta sa pagkamatay ni Padilla. 

Sinabi ng pulisya na shootout umano ang na­ganap tanda ng mga bas­yong bala buhat sa ka­libre .38 pistol at ka­libre .22 pistol na gamit ng mga suspek na na­re­ko­ber sa lugar bukod pa sa isang granada. Nabatid naman na pag-aari ng isang Alejandre Adao ang Toyota Vios na tinangay sa kanya ng mga suspek sa Las Piñas City.             

Naisugod pa sa Os­pi­tal ng Makati si Padilla ngunit hindi na ito umabot ng buhay habang isina­sa­ilalim ngayon sa ma­susing interogasyon si Inducil.              

Ayon kay Rosales, inaalam nila ngayon ang koneksyon ng Ivan Pa­dilla Group sa “Alabang Boys, Domiguez Group, Valle Verde Gang at Bun­dol Gang” na nag-oope­rate rin sa Metro Manila. Ito’y matapos na mabatid na galing sa mga maya­yamang pa­milya ang mga miyem­bro ng na­lansag na grupo tulad ng ibang nabanggit na gang ma­liban sa Bundol gang.             

Sinabi rin nito na na­kakulong rin ang mga magulang ni Padilla dahil sa kaso naman sa iligal na droga.

Show comments