^

Metro

Refund sa RFID fee, nilinaw ng LTO

-

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) chief Virgie Torres na hinihintay nila ang pormal na kautusan mula sa Department of Trans­por­tation Office (DOTC) hinggil sa isyu ng pagre-refund sa Radio­ Frequency Identification (RFID) fee na kinolekta mula sa mga motorista.

Ayon kay Torres, kaagad nilang ipapatupad ang nasabing kautusan subalit ka­ilangan muna nilang pag-ara­lang mabuti kung paano ipapa­tupad ang refund sa mga nasi­ngil na RFID fee.

Sinabi pa ni Torres, kaila­ngan na epektibo at mabilis ang kanilang gagawing sistema at matiyak na ang refund ay maku­kuha mismo ng mga motorista.

Bagamat nagpalabas ng “status quo ante order” ang Korte Suprema sa isyu ng RFID, wala pang pinal na desis­yon ipina­lalabas ang Hukuman.

Sa nga­yon aniya, ang RFID project ay pinag-aaralan pa ng Korte Suprema na nanganga­ila­ngan ng malinaw na paliwanag.

AYON

BAGAMAT

DEPARTMENT OF TRANS

FREQUENCY IDENTIFICATION

HUKUMAN

KORTE SUPREMA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SHY

SINABI

VIRGIE TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with