^

Metro

Payola sa MMDA inamin ng transport groups

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inamin ng mga “transport groups” ang nagaganap na pagbibigay ng payola ng ilan nilang mga miyembrong kompanya sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) at nagsabing handang makipagtulungan upang matuldukan ang naga­ganap na katiwalian.

Sa pakikipagpulong ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa mga transport groups nitong nakaraang Biyernes, kapwa inamin nina Homer Mercado ng grupong South Luzon Bus Operators Association at Zeny Mara­nan, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ang pagbibigay ng kanilang mga kasapi ng payola at tong sa mga tiwaling opisyal at kawani ng ahensya upang ma­kaiwas sa panghuhuli at “harassment”.

Handa naman umano silang makipagtulungan upang tuluyang matigil na ang umano’y pangingikil at paglalagay ng tong, kasabay ng pagtiyak na handa rin silang ibunyag ang ilang kom­panya na patuloy na nagpapabiyahe ng mga kolorum na bus sa pangu­nahing lansangan.

Sinabi ni Maranan na matagal ng nangyayari ang nasabing tong collection at hindi na ito lingid sa ka­alaman ng mga opisyal ng MMDA kaya sa pag-upo ngayon ni Tolentino ay kum­piyansa silang matitigil na ito.

Samantala, nanga­ ngamba naman ang mga maliliit na traffic enforcers ng MMDA na sila ang tamaan ng rigodon na ipatutupad ni Tolentino habang maka­kaiwas ang mga mas mata­taas na opisyales ng ahen­sya na siyang pinakanag­ta­tamasa ng iligal na kolek­syon buhat sa sektor ng transportasyon.

BIYERNES

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HOMER MERCADO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

SHY

SOUTH LUZON BUS OPERATORS ASSOCIATION

TOLENTINO

ZENY MARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with