MPD binalasa
MANILA, Philippines - Upang mas mapabuti pa ang pagbibigay ng seguridad at serbisyo sa Manilenyo, ipatutupad ngayon ang balasahan sa hanay ng Manila Police District (MPD) na magiging epektibo bukas, Agosto 2.
Nabatid na ang balasahan ay may basbas ni MPD director Chief Supt. Rodolfo Magtibay. Sa inilabas na order, ang mga bagong station commander ay sina Sr. Supt. Rogelio Rosales, Jr., Station 1; Sr. Supt. Ferdinand Quirante, Station 2; Sr. Supt. James Afalla, Station 3; Supt. Jaime Tiu, Station 4; Sr. Supt. Frumencio Bernal, Station 5; Sr. Supt. Jemar Modequillo, Station 6; Sr. Supt. Ernesto Barlam, Station 7; Sr. Supt. Felipe Cason, Station 8; Sr. Supt. Francisco Gabriel, Jr., Station 9; Sr. Supt. Orlando Mirando, Station 10 at Sr. Supt. Ernesto Tendero, Jr., Station 11.
Pinag-iisipan din ang balasahan sa loob mismo ng MPD headquarters kung saan maaapektuhan ang mobile division, criminal records investigation division at homicide division. Ipinaliwanag ni Manila Mayor Alfredo Lim, na kailangan pang mas mapabuti ang pagbibigay ng seguridad sa mga publiko lalo pa’t mahigpit ang kampanya ng pamahalaan laban sa iba’t ibang krimen sa bansa.
Umaasa naman si Lim na pag-iigtingin pa ng mga opisyal ang kanilang responsibilidad upang tuluyan nang mawala ang mga krimen at sindikato sa Maynila.
- Latest
- Trending