MANILA, Philippines - Isang lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek makaraang hindi pasalihin ng una sa sugal na cara y cruz ang huli kahapon sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Christian Romero, 27, ng Tupda Village ng lungsod na ito.
Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:10 ng madaling-araw sa kahabaan ng J. Felipe St., ng nabanggit na siyudad.
Lumapit ang suspek upang sumali sa biktima at ilang kalalakihan na naglalaro ng cara y cruz. Ngunit tinang gihan ito ng biktima dahilan upang magtalo ang mga ito hanggang sa kinuha ng suspek ang kanyang patalim at pinagsasaksak ang una.