^

Metro

Iniwan ng pulis na bantay: Murder suspect nakapuga sa ospital

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  Nasa balag ng alanganin ngayon ang isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District-Station1 makaraang magpabaya umano sa pagbabantay sa isang murder suspect na nakaratay sa Metropolitan Hospital, kamaka­lawa sa Tondo, Maynila.

Nabatid na si Marcelino Nicholas, 64, biyudo at residente ng 392-A Pilapil St.Tondo, Maynila ay nakapuga sa na­sabing pagamutan matapos iwanan ng nakabantay dito na si PO2 Arthur Pineda, nakatalaga sa Raxabago Tondo Police Station 1.

Si Nicholas ay sinampahan ng kasong murder dahil sa pagpatay sa kanyang ka­alitang kapitbahay na si Roberto Co, negos­yante, ng Pilapil St. Tondo, Maynila noong nakalipas na Hulyo 7, 2010 dahil sa obstruction nang ireklamo ng suspect ang nakabalandrang mga kagamitan sa pagpa-renovate ng biktima ng kanilang bahay.

Ayon kay PO3 Jonathan Bautista, sa pa­gitan ng ala-1:30 hanggang alas-2 ng hapon nang hindi na makita ang suspect sa Room 508, ng Metropolitan Hospital matapos tu­manggi ito na muling ikabit sa braso ang dex­trose na ipina­tanggal ng kaniyang attending doctor.

Nalaman na si Pineda at PO2 David Sex­moan ang idinetail para magbantay kay Nicholas noong ito ay makatakas.

Lumabas umano sa hospital si Pineda, dakong alas-11:15 para kumain ng tang­halian at bumalik ito sa hospital dakong alas-2:35 ng hapon, kung saan nakatakas na ang sus­pek.

vuukle comment

A PILAPIL ST.

ARTHUR PINEDA

DAVID SEX

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT

MARCELINO NICHOLAS

MAYNILA

METROPOLITAN HOSPITAL

PILAPIL ST. TONDO

PINEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with