Umawat sa away, tinodas

MANILA, Philippines -  Bala sa dibdib ang na­tamo ng isang 35-anyos na lalaki matapos umawat sa away ng dalawang lalaking lasing sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Metropolitan Medical Center ang biktimang si Roderick David, 35, binata emple­yado at residente ng Pau­lino St., Balut, Tondo.

Nakatakas naman ang suspect na kinilalang si Da­ niel Lusong, 27, may-asawa at residente ng Mayhaligue St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Det. Danilo Vidad ng Manila Police District-Homicide Division, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa Mayhaligue St., sa gilid lamang ng Metropolitan Medical Center.

Nabatid na hindi magka­kilala ang biktima at suspect.

Sa imbestigasyon, bisita lamang ang biktima ng isang Daniel Aguilar, na residente sa lugar at nag-iinuman ang dalawa sa labas ng bahay nang du­mating umano ang suspect na si Lusong na lasing na rin umano at kinom­pronta si Aguilar.

Hindi naman umano nagpabaya ang biktima kaya inawat ang dalawang halos magsuntukan na hanggang sa umuwi na ang suspect na si Lusong.

Hindi nagtagal ay bu­malik umano si Lusong na armado ng ’di nabatid na kalibre ng baril at biglang nagpaputok sa ere na iki­nagulat ng mga residente.

Kasunod nito ay ang pagbaril niya sa biktima na tumama sa kaliwang dibdib nito. Mabilis na dinala sa katabi lamang na paga­mutan ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival.

Posibleng napikon uma­no ang suspect sa pag-awat ng biktima kaya siya ang pinagbalingan.

Patuloy naman ang isi­na­sagawang pagtugis sa sus­pect.

Show comments