Lineman todas sa kuryente

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 22-anyos na lineman ng internet broad­band matapos itong makuryente habang nagkakabit ng linya sa isang kustomer sa Pasig City kahapon ng umaga. Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan si Pedji Torres, residente ng Marikina Heights, Marikina City at lineman ng RS Developer Company Inc. Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Police naganap ang insidente dakong alas-7:30 kahapon ng umaga sa harap ng Red Blocks Manufacture sa Amang Rodriguez Avenue, Brgy. Manggahan ng naturang lungsod. Kasaluku­yang naka-duty si Torres habang nagkakabit ng linya ng broadband nang aksidenteng mahawakan ang buhay na linya ng kuryente ng Meralco, sanhi ng pagka­kakuryente nito. Agad namang sinaklolohan ng mga kasamahan nito si Torres na siyang nagsugod sa biktima sa pagamutan ngunit   hindi na rin naisalba pa dahil sa pagtatamo ng 3rd degree burns sa katawan. 

Show comments