5-anyos patay sa open manhole

MANILA, Philippines - Isang 5-anyos na batang la­laki ang nasawi matapos itong mahulog sa isang naka­bukas na manhole habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Calo­ocan City.

Patay na nang idating sa Manila Central University Hos­pital si Cyrus Lincallo, ng G. de Jesus st., Bagong Barrio ng lungsod na ito.

Sa report ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa kahabaan ng G. de Jesus St., ng na­bang­git na siyudad. Nabatid na nagla­lakad ang biktima sa nabanggit na lugar kasama ang kanyang ate na hindi na­malayan, na­hulog ang biktima sa isang nakabukas na manhole.

Nang maglaho ang biktima ay humingi ng tulong ang ate nito subalit tu­ma­gal halos ng dalawang oras bago nakuha ang kata­wan ng biktima. Dinala ito sa pagmutan subalit hindi na umabot pang buhay.

Lumalabas na kinulimbat ng mga kawatan ang takip ng manhole sa nasabing lugar, ina­alam pa kung sino ang magi­ging responsable hinggil sa nakabukas na manhole na po­sibleng managot dito.

Show comments