^

Metro

SA LRT-MRT fare hike, commuters group, aapela kay P-Noy

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Planong dumulog ng mga bumubuo ng National Council for Commuters Protection (NCCP) kay Pangulong Noynoy Aquino upang iapela ang nakaambang pagtataas sa pasahe sa Light Rail Transit Line 1 at 2 at Metro Rail Transit 3.             

Sinabi ni NCCP President Elvira Medina na bumubuo na sila ng isang liham na ipadadala sa Pangulo upang maiparating ang kanilang hinaing at pagkontra sa pagtataas ng pasahe sa dalawang train system. 

Sinabi nito na ang murang pasahe sa pagsakay sa LRT at MRT na lamang ang iilan sa paraan para makatipid ang mang­gagawang Filipino. Idinagdag pa nito na kinakain na ng pasahe ng MRT at LRT ang 10% sa “minimum wage” ng mga ordinar­yong mang­gagawa kada araw. Lalo lamang umanong maghi­hirap ang ordinaryong pamilyang Pinoy sa pagtataas ng pasahe.             

Sinabi naman ni Department of Transportation and Com­munications Secretary Jose de Jesus na ibabalik lamang nila ang orihinal na pasahe na P30 na dapat ay ipinatupad noong 1998 nang unang maging operational ang MRT. Ibinaba lamang ito ng pamahalaan sa P15 upang makayanan ng publiko at tangkilikin ang train system kasabay ng pagbibigay ng subsidiya ng pama­halaan. Ngunit hindi na umano maka­yanan ngayon ng pama­halaan ang pagbibigay ng subsidiya sa MRT at LRT kung saan nalulugi ng P5-P6 bilyon kada taon dulot ng “inflation” o taunang pagbaba ng halaga ng piso.

COMMUTERS PROTECTION

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COM

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL COUNCIL

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENT ELVIRA MEDINA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with