^

Metro

3 bus companies nagbibigay payola sa MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinangalanan kahapon ng bagong upong chairman ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA)   Francis Tolentino ang tatlong bus companies na kabilang sa mga nagbibigay ng buwanang payola sa ilang tiwaling opis­yal sa ahensiya upang maka­ligtas sa pananagutan sa mga paglabag sa mga batas-trapiko sa Metro Manila.            

Kabilang sa mga pinanga­lanan ni Tolentino ang provin­cial bus na Baliwag Transit at Saint Rose Bus Lines na may biyaheng Malinta-Alabang na nagbibigay ng P20,000 kada buwan at Five Star Lines na nagbibigay naman umano ng P30,000 kada buwan sa ilang tiwaling opisyal ng MMDA.

Sinabi ni Tolentino na sampol pa lang ang tatlong nabanggit niyang bus com­pany at marami pang iba na sisikapin niyang mailabas ang mga pangalan sa susunod na dalawang linggo. 

Nakatakda ring makipag­pulong si Tolentino sa mga ope­­­rators ng bus company kung saan inihahanda na niya ang mga dokumento para mag­bigay ng “commitment” ang mga ito na kanilang pipir­mahan kung saan nakasaad na hindi sila magbibigay ng payola at sa panig naman ng mga traffic officials at traffic enforcers ay hindi tatanggap ng payola. 

May pangalan na rin umano siya ng mga opisyales at kawani ng MMDA na ma­tagal nang tumatanggap ng payola ngunit tumanggi muna siyang banggitin hanggang nangangalap pa siya ng dagdag na ebidensya laban sa mga ito na maga­gamit sa pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal.             

Grupo-grupo umano ito sa MMDA na nakikinabang sa mga payola at tong na kan­yang sisibakin sa trabaho sa oras na mapatunayan ang pag­kakasala. Wala umano siyang intensyon na mang­hiya ngunit nais lamang na matigil ang matagal nang sistema at mabalik ang tiwala ng publiko.

BALIWAG TRANSIT

FIVE STAR LINES

FRANCIS TOLENTINO

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

SAINT ROSE BUS LINES

SHY

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with