^

Metro

Double life sa Taiwanese na drug trafficker

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hinatulan ng dalawang ha­bambuhay ng Manila Re­gional Trial Court ang isang Taiwa­nese na napatunayang nag-iingat ng tatlong kilo ng shabu noong 2007 habang pinawa­lang-sala naman ang dalawang Pinoy na kasamahan nito.

Sa 17-pahinang desisyon ni Judge Alejandro G. Bihasa ng Manila RTC Branch 2, nilinaw na hindi maaaring ipatapon pauwi sa kanyang bansa ang akusadong si Hsieh Tien Chang o Chen Chieng Chang o Joseph Sia hanggang hindi napagdurusahan ang parusang iginawad sa kanya ng husgado.

Sa rekord ng korte, dakong alas-8 ng gabi ng Marso 13, 2007, sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang unit ng akusado sa China Plaza con­dominium  sa Ongpin at Tam­bacan St., Sta. Cruz, Maynila dahil sa report ng illegal drugs.

Sa naturang pagsalakay, nakarekober ang PDEA nang mahigit sa tatlong kilo ng shabu sa kusina at sa master’s bed­room ng akusado bukod pa sa mga gamit sa pagbebenta at paggamit ng shabu.

Maliban sa double life sen­tence, ang dayuhan ay pinag­multa rin ng P1,000,000 sa kanyang pagkakasala.

Samantala, inabsuwelto sa kaso ang magtiyuhing Cesar at Eusebio Valenzuela na dinakip ng PDEA nang salakayin ang condo ng Chinese.

Sa pagpapawalang sala sa magtiyuhin na transient umano sa condo ni Hsieh Tien Chang, sinabi ng husgado na bigo ang prosekusyon na patunayan na dawit ang dalawang Pinoy.

CHEN CHIENG CHANG

CHINA PLAZA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EUSEBIO VALENZUELA

HSIEH TIEN CHANG

JOSEPH SIA

JUDGE ALEJANDRO G

MANILA RE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with