^

Metro

Pugante balik selda sa baril

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Balik kulungan ang isang 20-anyos na lalaki na uma­no’y tumakas sa piitan sa lungsod Quezon matapos na maaresto dahil sa pagdadala ng baril sa na­banggit ding lugar kama­kalawa.

Ang suspect na nasa kustodiya na muli ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) ay kinilalang si Ronald Canibel, ng Area 4-C Nawasa Line, Brgy. Holy Spirit ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng PS-6 dakong alas-8:15 ng gabi nang ma­aresto ng mga opisyal ng Ba­rangay Holy Spirit si Canibel dahil sa pagdadala nito ng improvise na baril o sumpak, habang pa­gala-gala sa na­sabing lugar.

Agad na dinala sa na­sabing himpilan ng pulisya ang suspect kung saan na­pag-alaman na si Canibel ay pinaghahanap matapos ma­katakas sa selda ng PS-6 noong nakalipas na Mayo 11 ng madaling-araw habang ang mga pulis ay abala sa na­ganap na national election.

Ayon kay PS-6 Com­mander, Supt. Marcelino Pedrozo, nilagari umano ng suspect ang dalawang bakal sa bintana ng CR ng mga babae sa pamamagitan ng string ng gitara habang ang mga pulis ay abala sa ka­sag­­sagan ng bilangan ng resulta sa election.

Nabatid na kasong PD 1866 o paglabag sa omnibus election code ang kinaka­harap ng suspect nang siya ay makatakas sa nasabing him­pilan.

AYON

BATASAN POLICE STATION

C NAWASA LINE

CANIBEL

HOLY SPIRIT

MARCELINO PEDROZO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RONALD CANIBEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with