MANILA, Philippines - Ipinapaaresto ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) branch 221 ang may 135 akusado sa Maguindanao massacre.
Ito ay matapos na magpalabas kahapon ng ika- 57 arrest warrant si QCRTC Judge Jocelyn Solis-Reyes laban sa mga akusado kasabay ng pagtatakda ng arraignment ng kaso bukas (Hulyo 28 ) sa may 21 akusado para sa 57 counts ng murder.
Nauna nang naghain ang prosecutors ng 56 counts of murder laban sa may 190 akusado sa pagkamatay ng may 57 biktima kabilang ang miyembro ng media noong Nobyembe 23,2009 dahil hindi pa nakikita ang isa pa sa biktima.
Nag- isyu ng 56 warrant of arrest ang korte laban sa may 135 akusado na pawang nanatiling nakakalaya pa.
Samantala, itinakda naman ang arraignment sa pangunahing akusado na si Andal Ampatuan Jr. , kabilang si Supt. Abdulwahid Pedtucasan, Insp. Sukarno Dicay, Insp. Abdulgapor Abad, PO1 Michael Macarongon, PO1 Mohammad Balading, PO3 Rasid Anton, Takpan Dilon, Esmael Canapia, PO2 Hernanie Decipulo Jr., PO2 Saudiar Ulah, PO2 Saudi Pasutan, PO1 Herich Amaba, PO1 Esprielito Lejarso, PO1 Rainer Ebus, Isp. Rex Ariel Diongon, Insp. Michael Joy Macaraeg, PO1 Pia Kamidon, Muhamad Sangki, Maot Dumla, at Thong Guimano.
Sa may 190 akusado sa massacre tanging 62 lamang ang nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kung saan kabilang dito ang miyembro ng pamilya Ampatuan sa pangunguna ni Andal Ampatuan Sr.
Samantala, pinadidismis ni Maguindanao masaker suspek Zaldy Ampatuan sa QC-RTC ang kanyang kasong murder sa korte dahilan sa anya*y inosente siya sa naturang kaso at nadismis na ang kaso ng pulis na nagsasangkot sa kanya sa naturang krimen.
Noong Hulyo 16, 2010, dinismis ni Judge Reyes ang kasong murder ni PO1 Johann Draper matapos mabigo ang korte na makakita ng ebidensiya na nagdidiin dito laban sa kaso.