^

Metro

Warrant of arrest pa sa may 135 akusado sa Maguindanao masaker inilabas

- Nina Gemma Amargo-Garcia at Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipinapaaresto ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) branch 221 ang may 135 akusado sa Maguin­danao massacre.

Ito ay matapos na magpa­labas kahapon ng ika- 57 arrest warrant si QCRTC Judge Jocelyn Solis-Reyes laban sa mga akusado ka­sabay ng pagtatakda ng arraignment ng kaso bukas (Hulyo 28 ) sa may 21 aku­sado para sa 57 counts ng murder.

Nauna nang naghain ang prosecutors ng 56 counts of murder laban sa may 190 aku­sado sa pagkamatay ng may 57 biktima kabilang ang mi­yembro ng media noong Nob­yembe 23,2009 dahil hindi pa nakikita ang isa pa sa biktima.

Nag- isyu ng 56 warrant of arrest ang korte laban sa may 135 akusado na pawang na­natiling nakakalaya pa.

Samantala, itinakda na­man ang arraignment sa pangunahing akusado na si Andal Ampatuan Jr. , kabilang si Supt. Abdulwahid Pedtuca­san, Insp. Sukarno Dicay, Insp. Abdulgapor Abad, PO1 Michael Macarongon, PO1 Mohammad Balading, PO3 Rasid Anton, Takpan Dilon, Esmael Canapia, PO2 Her­nanie Decipulo Jr., PO2 Saudiar Ulah, PO2 Saudi Pasutan, PO1 Herich Amaba, PO1 Esprielito Lejarso, PO1 Rainer Ebus, Isp. Rex Ariel Diongon, Insp. Michael Joy Macaraeg, PO1 Pia Kamidon, Muhamad Sangki, Maot Dumla, at Thong Guimano.

Sa may 190 akusado sa mas­sacre tanging 62 lamang ang nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kung saan ka­bilang dito ang miyembro ng pamilya Ampatuan sa pa­ngu­nguna ni Andal Ampatuan Sr.

Samantala, pinadidismis ni Maguindanao masaker suspek Zaldy Ampatuan sa QC-RTC ang kanyang ka­song murder sa korte dahilan sa anya*y inosente siya sa naturang kaso at nadismis na ang kaso ng pulis na nagsa­sangkot sa kanya sa naturang krimen.

Noong Hulyo 16, 2010, di­nis­mis ni Judge Reyes ang kasong murder ni PO1 Jo­hann Draper matapos ma­bigo ang korte na makakita ng ebi­densiya na nagdidiin dito laban sa kaso.

ABDULGAPOR ABAD

ABDULWAHID PEDTUCA

ANDAL AMPATUAN JR.

ANDAL AMPATUAN SR.

CAMP BAGONG DIWA

DECIPULO JR.

ESMAEL CANAPIA

ESPRIELITO LEJARSO

HERICH AMABA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with