MANILA, Philippines - Patuloy ang pagganda ng kondisyon ng suplay ng tubig sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng water level sa Angat dam sa Bulacan.
Ayon sa dam monitoring team ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang water level ng Angat Dam ay umaabot na sa 162.29 meters kahapon ng umaga ng Lunes, may 20 meters na baba na lamang sa critical level na 180 meters.
Ang Angat Dam’s multi-purpose reservoir ay nagsu-supplay ng 97 porsiyento ng malinis na tubig sa Metro Manila at nagbibigay din ng tubig sa may 27,000 ektaryang sakahan sa Bulacan
Ayon kay Rodolfo German, Angat dam manager na ang water level ng dam kahapon ay mas mataas ng 0.27 meters kumpara noong araw ng Linggo dahilan naman sa naganap na malalakas na pag-uulan nitong mga nagdaang araw.
Gayunman, sinabi ni German na kailangan pa nila ang mahigit sa 2 malalakas na ulan upang tumaas pa sa 180-meter critical level ang water level sa Angat dam.