^

Metro

Matandang mag-live-in natagpuang patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Malagim na wakas ang kinasapitan ng isang mag-live-in na matanda makara­ang matagpuan ang ka­nilang mga bangkay na basag ang mga bungo at naliligo sa sariling dugo, kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City.             

Nakilala ang mga na­sawi na sina Leonora Narag, 65, at Domingo Galapate, 62, kap­wa ng Block 40 Lot 5 Phase 1 South Ville III, NHA Housing, Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.             

Nadakip naman ng pu­lisya ang suspek na si Leonardo Narag, 33, anak ng biktimang si Narag.   Inamin nito na siya ang pu­maslang sa ama-ama­han na si Galapate na siya naman umanong pumas­lang sa kan­yang ina.             

Sa ulat ng Muntinlupa police, naganap ang kri­men pa­sado alas-5 ng hapon sa loob ng bahay ng mga biktima. 

Ayon sa suspek, umuwi ng lasing sa bahay si Galapate kung saan nag­karoon ng pag­ta­talo sa pa­gitan ng kina­ka­sama nitong si Narag.             

Dito umano dumampot ng kahoy si Galapate at sunud-sunod na pinagpa­palo ang matan­dang babae hanggang sa duguan itong malugmok. 

Tinangka umano niyang awatin ang amain ngunit hindi ito nagpaawat kaya napilitan siyang agawin ang kahoy at ito naman ang kan­yang pinag­papalo upang iganti ang ina.             

Nagtungo naman si Narag sa bahay ng kan­yang hipag na si Jerma at ikinuwento ang naganap na trahedya sa kanilang pamilya. 

Sa kabila ng pahayag ng suspect, iniutos pa rin ni Mun­tinlupa police chief, Supt. Romulo Sapitula sa mga im­bestigador na mag­sagawa ng mala­limang pagsisiyasat ma­karaang matuklasan na dating naging pasyente ng Na­tional­ Institute for Mental Health ang suspect na si Narag.

vuukle comment

DOMINGO GALAPATE

GALAPATE

LEONARDO NARAG

LEONORA NARAG

MENTAL HEALTH

MUNTINLUPA CITY

NARAG

ROMULO SAPITULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with