Buhos ng ulan nagdulot ng trapik, baha sa MM

MANILA, Philippines - Halos dalawang oras ding hindi gumalaw ang daloy ng mga sasakyan sa ilang lugar sa Metro Manila, matapos na bumuhos ang malakas na ulan na nagdulot din ng pag­taas ng creek at pagbaha kung saan ilang residente din ang naapektuhan ng pagtaas ng tubig.

Sa Quezon City, may 50 pamilya ang iniulat na pan­samantalang inilikas ng lokal na pamahalaan sa kanilang tahanan sa may Araneta Ave. sa Barangay Tatalon matapos na dumaloy ang mataas na tubig baha.

Ayon sa ulat, dalawang motor boats ang ipinadala ng lokal na pamahalaan para i-rescue ang mga pamilyang nasa lugar na tatamaan ng baha na hanggang bewang. Ang mga evacuees ay pan­samantalang inilagay sa ma­lapit na paaralan dito.

Batay naman sa report ng tactical operation ng QCPD, nagkaroon din ng matinding trapik sa mara­ ming lugar sa lungsod Que­zon dahil sa baha na umabot hanggang bewang tulad sa mga panu­lukan ng Arayat at Zambales Sts.; Timog at Tatalon Ave.; V.Luna malapit sa Kalayaan Ave. na may bu­­mag­sak pang puno; Mo­ther Ignacia gayundin sa Mayon-Dapitan at Panay cor. Es­guerra St. sa lungsod.

Sa Maynila, nagkabuhul-buhol din ang sasakyan mula Monumento hanggang sa R. Papa St. matapos na tu­maas ang tubig dito na nag­mula naman sa creek. Ga­yundin sa Dimasalang at Quiapo.

Ayon sa mga residente sa R. Papa matagal na nilang inirereklamo ang mabagal na daloy ng tubig sa creek kung kayat madaling magbaha sa lugar.

Anila, dapat umanong big­yan aksiyon ng city government ang mga creek at hukay na dahilan ng pagbaha sa lungsod upang maiwasan na rin ang aksidente.

Hindi rin nakaligtas ang Roxas Blvd. at ang Taft Ave­nue sa Maynila sa pagbuhos ng ulan.

Ang pagsisikip ng daloy ng trapiko ay nadagdagan pa ng mga hukay sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan.

Gayunman, mabilis din na­mang humuhupa ang tubig baha sa nasabing mga kal­sada ng tumila ang ulan.

Ang pagbuhos ng ulan ay bunga ng tinatawag na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nagdudulot ng ma­kapal na kaulapan sa ating bansa na nagdadala ng ulan.

Show comments