Mister binoga, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister nang mistulang gawing target prac­tice at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nagpapahangin sa kanilang terrace sa Valenzuela kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Valen­zuela Genaral Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Bernardo Furio, 32, ng Santol St., Brgy. Bagbaguin ng lungsod na ito.

Samantala, blanko pa ang pulisya sa suspek ng naturang biktima.

Sa inisyal na ulat ng Valen­zuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi, kung saan nagpapa­hangin sa kanilang terrace ang biktima at biglang sumulpot ang suspek at mistulang pinagprak­tisan nang pagbabarilin nito si Furio. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan.

Patuloy pa ang isinasa­gawang imbestigasyon sa in­sidente.

Show comments