Mister binoga, patay
MANILA, Philippines - Patay ang isang mister nang mistulang gawing target practice at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nagpapahangin sa kanilang terrace sa Valenzuela kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Valenzuela Genaral Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Bernardo Furio, 32, ng Santol St., Brgy. Bagbaguin ng lungsod na ito.
Samantala, blanko pa ang pulisya sa suspek ng naturang biktima.
Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi, kung saan nagpapahangin sa kanilang terrace ang biktima at biglang sumulpot ang suspek at mistulang pinagpraktisan nang pagbabarilin nito si Furio. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
- Latest
- Trending