Ginang binoga habang umiigib

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang ma­tapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang ang una ay umiigib ng tubig sa Valenzuela City kaha­pon ng umaga. Dead-on-arrival sa Valen­zuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa kali­wang bahagi ng mukha si Jackie Lou Dalida, 26 ng T. Santiago St., Lingunan ng lung­sod. Sa im­bes­tigasyon ng pu­lisya, naga­nap ang insidente dakong alas-7 ng umaga ha­bang umiigib ng tubig sa kani­lang ka­pitbahay ang biktima nang sumulpot ang isa sa mga suspek at agad putukan si Dalida. Mata­pos ang insidente ay sumakay ang suspek sa nag­hihintay na kasama dala ang isang motor­siklong hindi na nakuha ang plaka bago nag­sitakas. Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa isina­gawang pagpas­lang sa ginang.

Show comments