Sa unang Sona ni P-Noy: Number coding suspendido sa Lunes
MANILA, Philippines – Kinansela ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng “number coding” sa lahat ng uri ng sasakyan sa darating na Lunes kasabay ng unang “State of the Nation Ad dress” ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni MMDA Chairman Oscar Inocentes na ito’y upang hayaan ang malayang pagbiyahe ng mga motorista na nais makita si Pangulong Aquino ng personal sa unang SONA nito sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Saklaw ng kanselasyon ang lahat ng uri ng sasakyan, maging pribado o pampasahero.
Nagdesisyon ang MMDA na kanselahin ang number coding dahil sa dami umano ng mga nagnanais na dumalo sa SONA at kahilingan na nakarating sa kanila.
- Latest
- Trending