^

Metro

Gas leak sa Makati: 60 pamilya inilikas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Tuluyang inilikas ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Makati Health Office ang nasa 60 pamilya na nani­nirahan sa West Tower Condominium sa natu­rang lungsod bun­sod ng malaking panga­nib na naka­amba sa kanilang buhay dahil sa nadiskub­reng gas leak sa base­ment ng gusali.             

Nagkusa naman na lumikas na rin ang mga residente na nakatira sa paligid ng gusali na nasa Osmeña High­way, Brgy. Bangkal da­hil sa nakaka­sulasok na amoy dulot ng tuma­tagas na kulay dilaw na likido.             

Galit na itinuturo ng mga residente ng condo building na posibleng nanggaling ang leak sa Ba­tangas-Pandacan pipe­line na pinama­maha­laan ng First Phi­lippine Industrial Corpo­ration. 

May 10 araw na nang unang madis­kubre ng mga residente ang una’y manaka-nakang pagta­gas ng likido hanggang sa tu­luyang lumakas na ito nitong nakaraang Mi­yer­kules.

Hiniling ng mga ito sa FPIC na pansaman­ta­lang i-shutdown ang ka­nilang operasyon upang mapi­ gilan ang pagtagas ha­bang ka­ilangang ma­hukay na agad ang pipe­line at ma­tukoy kung saan nang­ga­galing ang tagas.             

Personal na nag-ins­peksyon naman sa lugar si Makati Mayor Junjun Binay kung saan ipinag-utos nito ang ibayo pang pagpapa­bilis sa imbes­tigasyon upang matukoy kung saan nagmumula ang tagas. 

Nagpamahagi na rin ng gas mask ang Ma­kati City Hall sa mga apek­ta­dong residente habang kinordon na ang base­ment ng gusali na idi­nek­larang hot zone.            

Ayon sa BFP-Makati fire marshall, Supt. Sa­muel Tadeo, “highly com­bustible” ang tuma­tagas na likido at ma­aaring sumabog o mag­karoon ng malakihang sunog kung may mani­nigarilyo o magsisindi ng apoy sa ikaapat at ikalawang palapag ng basement ng gusali.             

Sa kabila nito, sinabi naman ni FPIC Pipeline Right of Way division head, Engr. Efren Im­presso na hindi sa ka­nilang pipeline nangga­galing ang tagas ma­ka­ra­ang mahukay nila ang tubo sa harapan ng gu­sali at makitang wala kahit anong tagas ito.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CITY HALL

EFREN IM

FIRST PHI

INDUSTRIAL CORPO

MAKATI HEALTH OFFICE

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

PIPELINE RIGHT OF WAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with