Granada nakuha sa imburnal

MANILA, Philippines - Nagkagulo ang mga cons­truction worker na guma­gawa sa kahabaan ng D. Tuazon corner Retiro St., sa lungsod Que­zon mata­pos na masu­werteng hindi ma­sabugan ang isa sa kanila nang matagpuan nito ang isang granada sa gina­gawa nilang drainage, ayon sa pulisya kahapon. Ayon sa ulat ng Que­zon City Police District Public Safety Battalion (DPSMB) ganap na alas-9 ng umaga nang matag­puan ng isang contruction worker na si Wilson Morinalla ang Fragmentation Hand Grenade (PRB 423) habang guma­gawa ng drai­nage. Dala ng takot, agad na nag­tatakbo papalayo si Mo­rinalla at ipinag­bigay alam ang na­kita sa kina­uukulan. Ka­salu­kuyang nasa pag-iingat na nga­yon ng mga awto­­ridad ang na­sa­­bing gra­nada para sa kauku­lang despo­sisyon.

Show comments