Binata nagbigti
MANILA, Philippines - Natagpuang nakabigti ang isang 21-anyos na binata sa harapan ng isang abandonadong bahay sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.
Patay na nang madiskubre ang biktimang nakilala lamang sa pangalang “Jamel”, tubong Maranaw City at residente ng 01-B Malanga, Islamic Center, Palanca St., Quiapo, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga nang matuklasan na nagbigti ang biktima sa harapan ng isang abandonadong bahay, sa kanto ng Malanga at Kawatan Sts.
Dahil sa tradisyon ng Islam, agad nang inilipat ang bangkay sa mosque.
- Latest
- Trending