^

Metro

Ex-NBI director magsusumite ng affidavit sa bribe attempt sa Maguindanao massacre witness

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni NBI-Internal Affairs Division chief, Atty. Oscar Embido na maghahain ngayong araw ng kaniyang salaysay si da­ting NBI Director Nestor Mantaring kaugnay sa imbestigasyon sa isyu ng P10-milyon bribe sa key witness ng Nov. 23, 2009 massacre.

Ayon kay Embido, hu­mingi ng ekstensiyon ng paghahain ng affidavit si Mantaring ng hanggang Hulyo 22, para sa paglilinaw sa isyu ng tangkang panu­nuhol ng emisaryong si  Ret. Colonel Antonio Mariano ng Philippine Air Force (PAF) sa testigong si Kenny Dalan­dag para umurong ito.

Nilinaw na rin ni Embido  na hindi naman respondent si Mantaring sa bribe complaint  bagkus ay hiningan lang ng paliwanag hinggil sa pagtungo ni Ret. Col. Ma­riano sa kaniyang opisina noong Hunyo 10, 2010 bago magtungo sa tanggapan ni Atty. Ric Diaz, hepe ng Counter Terrorism Unit, para humingi ng permiso na makausap si Dalandag.

Gayunman, pag-aaralan pa rin ng NBI-IAD kung may dapat panagutan sina Man­taring at Diaz sa kabiguan nilang agad na aksiyunan ang pagtatangkang panunu­hol ng nasabing emisaryo umano ng pamilya Ampatuan.

Kabilang sa nagsumite na ng paliwanag ang dala­wang security men  ni Man­taring, na sina Melbnert Jusay at Dominmgo Buena­obra, na nag-escort pa uma­no kay Mariano sa pagtungo sa opisina ni Diaz.

Sa affidavit naman ni Diaz na inihain sa IAD, nag­tangka si Mariano na suhu­lan ng P10-milyon si Dalan­dag upang bawiin ang pag­dadawit nito kay Zaldy Ampatuan, sa Maguindanao massacre.

Una nang sinabi ni Man­taring na hindi niya ma­tandaan kung nagdaan sa kaniyang tanggapan si Col Mariano.

vuukle comment

COL MARIANO

COLONEL ANTONIO MARIANO

COUNTER TERRORISM UNIT

DIAZ

DIRECTOR NESTOR MANTARING

DOMINMGO BUENA

EMBIDO

INTERNAL AFFAIRS DIVISION

KENNY DALAN

MANTARING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with