^

Metro

4,500 parak ikakalat sa SONA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May 4, 500 pulis ang ita­talaga ng National Capital Regional Police­ Office (NCRPO) para magbantay sa gagawing State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Be­nigno “Noynoy” Aquino III sa July 26, 2010.

Bukod dito, maglalagay rin ng 8 closed circuit television (CCTV) ang NCRPO sa buong paligid na pagdadausan ng naturang SONA upang matu­koy ang posibleng kaguluhang magaganap dito.

Samantala, pag-aaralan ng NCRPO ang kahilingan ng mga raliyista na makalapit sa Ba­tasan para ibulalas ang kanilang hinaing sa pangulo.

Ito ang naging panukala ni Regional Director General Ro­berto Rosales sa ginanap na pakikipag-dialogue kaha­pon sa hanay ng mga raliyista na gina­nap sa Sulu Hotel sa Quezon City.

Ayon kay Rosales, batid niya na mahalaga ang hinaing na dadalhin ng mga raliyista subalit mas importanteng pag-aralan muna ito upang hindi magkaroon ng aberya sa san­daling mag-umpisa na ang SONA ng Pangulo.

Hinihiling ng mga raliyista na makalapit sa Batasan upang doon magsagawa ng rally, ngu­nit base sa ginawang re-routing ng NCRPO katu­wang ang Quezon City Police, lu­mi­litaw na malayo ang rally zone na ibi­nigay sa kanila kung kaya nila ito tinutulan.

Giit ng Akbayan, nais nilang mabatid ng Pangulong Noynoy ang kanilang mga hinaing tulad ng kanilang ka­rapatan sa pa­ngakong magi­ging tahimik ito.

AKBAYAN

AQUINO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE

PANGULONG NOYNOY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

REGIONAL DIRECTOR GENERAL RO

SHY

STATE OF THE NATION ADDRESS

SULU HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with